Bituing Walang Ningning

(Pinoy Song)

I.
Kung minsan ang pangarap
Habangbuhay itong hinahanap
Bakit nga ba nakapagtataka?
'Pag ito ay nakamtan mo na
Bakit may kulang pa?

II.
Mga bituin aking narating
Ngunit langit ko pa rin ang iyong piling
Kapag tayong dalawa'y naging isa
Kahit na ilang laksang bituin
'Di kayang pantayan ating ningning...

*Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal
Hayaang matakpan ang kinang na di magtatagal
Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning
Kung kapalit nito'y walang
Paglaho mong pagtingin
Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal
Limutin ang mapaglarong kinang ng tagumpay
Sa piling mo ngayon
Ako'y bituing walang ningning
Nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig



CODA:
Nagkukubli sa liwanag at kislap
Ng ating pag-ibig..........


Taal: tagalog